Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Nigerian national dahil sa overstaying nito sa bansa.
Kinilala ang dayuhan na si Emmanuel Abioye, 37 years old na subject ng warrant mula sa BI dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.
Base sa record, siya ay overstaying sa bansa, na nag-udyok sa board of commissioners ng BI na maglabas ng summary deportation order laban sa kanya noong pang nakaraang taon.
Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., isang buwan isinagawa ng BI ang surveillance operation kay Aboiye bago ipatupad ang pag-aresto sa kanya sa isang condominium sa McKinley Hills, Taguig City.
Mananatili ang dayuhan sa kustodiya ng BI sa loob ng kanilang pasilidad sa Bicutan, Taguig hanggang sa maiprosero ang kanyang deportation.