Kulungan ang bagsak ng isang Nigerian National makaraang mambugbog ng isang Clean Marshall ng Waste Management Development nang sitahin itong huwag manigarilyo sa pampublikong lugar sa M.H Del Pilar St. Brgy. Mayombo Dagupan City.
Kinilala ang suspek na si Emmanuel Ndukwe, isang criminology student at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Herrero Perez.
Sa imbestigasyon ng otoridad, natyempuhan ni De Vera si Ndukwe habang naninigarilyo sa pampublikong lugar kung kaya’t sinita niya ito.
Dito na nang-init ang ulo ng suspek at binugbog ang biktima at nadamay pa ang isang POSO enforcer na umaawat sakanila.
Kasong Violation of Executive Order 26, Malicious Chief at paglabag sa city ordinance no. 1495-93 ang kakaharapin ni Ndukwe.
Facebook Comments