Tinawag na “long overdue” ni Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate ang pagbibigay ng “night differential pay” sa mga empleyado ng gobyerno.
Gayunpaman, welcome pa rin sa grupong Bayan Muna ang Republic Act 11701 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noon pang Abril.
Napapanahon na aniya ang dagdag na benepisyong ito ngayong napakataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sa ilalim ng bagong batas, ang mga empleyado ng gobyerno mula division chief pababa o salary grades 1 to 24 ay kwalipikadong tumanggap ng night differential pay na higit 20% ng hourly basic rate.
Ang night differential pay ay isang uri ng kompensasyon na ibinibigay sa mga manggagawang nagtatrabaho sa alanganing oras gaya ng night shift o panggabi.
Facebook Comments