Night market sa Zamboanga City, pansamantalang isasara dahil sa mga naglipanang paniki; nasa 100 na stall owners, posibleng maapektuhan

Posibleng suspendihin muna ang operasyon ng Rizal Night Market sa Pettit Barracks, Zamboanga City dahil sa banta sa kalusugan na dala ng mga naglilipanang paniki mula sa mga puno ng acacia sa lugar.

Ayon sa Office of the City Veterinarian, kailangan munang masuri kung may dalang sakit ang mga paniki para na rin sa kaligtasan ng publiko.

Partikular na isasara ang mga food stalls sa lugar na makaka-apekto naman sa hanapbuhay ng tinatayang 100 na stall owners.


Facebook Comments