Night Out Guide sa Metro Manila

IMAGE: CUBAO EXPO (FB)

Naghahanap ka ba ng mga lugar na pwedeng tambayan kung gusto mong makapag-chill matapos ang stressful at toxic na araw? Ito ang ilan sa mga best places around Metro Manila na not just open for everyone, but also open until the midnight comes.

 

  1. El Chupacabra

Idol, kung gusto mong mag-relax with a Mexican street vibe buong gabi, ang El Chupacabra ang perfect na lugar para sa iyo. Matatagpuan mo dito ang isa sa pinakamasarap ngunit budget-friendly na Taco around Metro. Mayroon din silang beer na pasok sa iyong bulsa. Bukod dito, madami din ditong Filipino street foods na tiyak kagigiliwan mong kainin.  Para sa mas challenging na food trip, pwede mo ring tikman ang isa sa mga pagkaing Pinoy na “balot” na mabibili mo along the street.


Location: 5782 Felipe Street, Makati, Metro Manila

 

  1. Cubao X
IMAGE: CUBAO EXPO (FB)

Ang Cubao X ay para sa mga idol nating bet mag-try ng panibagong trip sa buhay. Ito ay swak para sa mga hipster at mga indie. Sarado ito sa umaga pero bukas at gising na gising sa gabi. Puno ito ng iba’t-ibang cafe at restaurants na tiyak maeenjoy mo. Sari-sari ring mga event ang nagaganap dito gaya ng live musical performances, spoken poetry at maaari ka ring makapanood ng independent films sa mga shops na nandito.

Location: Cubao Expo, 3 General Romulo Ave, Cubao, Quezon City, 1109 Metro Manila

 

  1. Mercato Centrale
IMAGE: MERCATO CENTRALE (FB)

Kung ang nais mo ay makatikim ng iba’t-ibang dishes from other countries, ang Mercato Centrale ang tamang lugar para sa iyo. Isa ito sa mga kilalang weekend market around Metro. Ito ay kalimitang dinadayo ng mga idol nating naghahanap ng mga pagkaing bago sa kanilang panlasa. Paniguradong magiging happy ang iyong tummy dahil sa affordable na mga pagkain dito.

Location: 25th Street Corner 7th Avenue, Taguig, Metro Manila

 

  1. Namoo House
IMAGE: NAMOO HOUSE (FB)

Nagke-crave ka ba sa “samgyeopsal’ sa kalagitnaang ng gabi? Ang Namoo House ay nandyan para sa iyo.  Ito ay isa sa mga sikat na Korean Barbecue Restaurant hindi lamang sa Metro Manila kungdi maging sa Seoul, South Korea. Ito ay kilala dahil sa masarap at mataas na kalidad nitong meat at beef na panalo for grilling. Mayroon din ditong iba pang Korean foods na tiyak mong magugustuhan. Agaw pansin din ang superb na interior ng restaurant.

Location: Ground Floor Uptown Parade 9th Avenue Corner, 38th St, Taguig, Metro Manila

 

  1. SM by the Bay
IMAGE: SM BY THE BAY

Ang Mall of Asia ay ang pinakamalaking shopping mall sa buong bansa. Bukod sa angking laki nito, best place din ito para manood ng sunset at mag-chill magdamag. Mayroon din ditong amusement park at mga kainan na bubusugin ka. Tiyak na marerelax ka dahil sa presko nitong hangin na para kang niyayakap at sinabayan pa ng tunog ng alon ng dagat sa bay area. Mahahalina rin ang iyong mga mata dahil sa city lights na iyong makikita. Bukod dito, mayroon din silang fireworks every weekend. Sobrang perfect ito lalo na kung chill vibes lang ang gusto mo.

Location: Seaside Boulevard, Mall of Asia Complex, Pasay, 1300 Metro Manila

Facebook Comments