NIGHTTIME INSPECTION SA MGA ESTABLISYIMENTO, PINAIGTING NG URDANETA POLICE STATION

Pinaigting ng Urdaneta City Police Station ang nighttime inspection sa iba’t ibang establisyemento sa lungsod upang masiguro ang kaligtasan at seguridad matapos ang oras ng operasyon.

Sinuri ng mga pulis ang paligid ng mga saradong tindahan at negosyo upang tiyaking walang presensya ng mga hindi awtorisadong indibidwal o posibleng intruder.

Layunin ng aktibidad na maiwasan ang anumang banta ng kriminalidad at maprotektahan ang ari-arian ng mga negosyante habang walang bantay sa gabi.

Tiniyak naman ng Urdaneta City Police Station na ipagpapatuloy ang ganitong hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lungsod.

Facebook Comments