Pilit umanong nilabanan ng mga piloto ng Lion Air Flight 610 ang bagong safety feature ng eroplano ilang minuto bago ito bumagsak sa karagatan ng Indonesia.
Ayon sa mga imbestigador, tinanggka ng mga piloto na i-override ang bagong automatic safety system na ikinabit sa Boeing 737 MAX 8 na ilang beses nag-automatic aircraft nose down.
Ito ang lumabas sa ginagawang imbestigasyon sa nangyaring trahedya kung saan 189 na pasahero at crew ang nasawi.
Pero ang pinagtataka ng mga imbestigador ay bakit ginawa ng mga pilot ng 610 ang ginawa ng flight na nakaranas ng kaparehong sitwasyon isang araw bago ang pagbagsak ng eroplano. Pinatay ng nasabing flight crew ang safety feature at saka manu-mano ang ginawang pagpapalipad ng eroplano mula Denpasar hanggang Jakarta.
Base rin sa report na inilabas ng National Transportation Safety Commitee ng Indonesia, may mga bagong detalye hinggil sa flight 610 ilang sandali bago ito bumagsak. Pero sa kabila marami pa ring katanungan kung bakit nangyari ito.