Nilad mangrove trees, itatanim ng DENR sa Manila Bay

Balak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ibalik ang makasaysayang Nilad mangrove plant sa Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitasyon nito.

Nitong December 29, pinangunahan ni Environment Secretary Roy Cimatu ang pagtatanim ng mangrove trees sa paligid ng Baseco lagoon sa Tondo, Manila.

Ang proyektong ito ay “Nilad for Maynila,” proyekto ng DENR research arm Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB).


Ang mangrove species, tulad ng nilad ay kayang sumipsip ng carbon tatlo hanggang limang beses kumpara sa mga gubat sa kabundukan.

May kakayahan din ang mga bakawan na protektahan ang coastal communities laban sa storm surges.

Facebook Comments