Nilagdaan na ang 5 kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Hashemite Kingdom of Jordan.
Nalagdaan na ang Memorandum of Understanding on Political Consultations sa pagitan ng Ministry of foreign affairs and expatriates of Jordan at ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas kung saan ay lumagda si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at ang kanyang Jordanian Counterpart.
Nalagdaan naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang isang Memorandum of Understanding on Defense Cooperation sa pagitan ng Department of National Defense ng Pilipinas at Jordan Armed Forces-Arab Army.
Pinangunahan naman ni Ambassador to the Philippines Akmad Atlah Sakkam ang paglagda sa kasunduan sa pagitan ng Maritime Industry Authority of the philippines at Jordan Maritime Commission at ito ay patungkol sa Recognition of certificates under the terms of 1978 Standards of training certification and Watch Keeping for Seafarers.
Nalagdaan din ang Cooperation Framework for Employment of Domestic Workers and Memorandum of Understanding on Labor Cooperation sa Pagitan ng Pilipinas at Jordan na pinangunahan naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III at kanyang Jordanian Counterpart.
Nagkaroon din naman ng Memorandum of Understanding sa Pagitan ng Board of Investments of the Philippines at Jordan Investment Commission na nilagdaan naman ni trade and industry secretary Ramon Lopez.