NILAGDAAN NA | Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Act, pinirmahan na ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas ang Republic Act No. 11039 na siyang magbibigay ng suporta sa mga electric cooperatives na naapektuhan ng kalamidad.

Sa ilalim ng batas, maituturing na national security ang kawalan ng serbisyo ng kuryente matapos ang hindi inaasahang pangyayari tulad ng mga kalamidad.

Bubuo ng Electric Cooperatives Emergency and Resiliency (ECERF) fund na siyang magbibigay ng tulong pinansyal sa mga electric cooperatives para maibsan ang epekto ng kalamidad.


Ang mga ilalaang pondo ay sa pamamagitan ng grants para sa disaster mitigation, disaster preparedness, at restoration at rehabilitation ng mga nasirang pasilidad.

Facebook Comments