Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagdedeklara sa Filipino sign language bilang national sign language sa mga Filipino deaf at bilang official sign language ng gobyerno.
Pormal nang isinabatas ang Republic Act no. 11106, o ang Filipino Sign Language Act, nitong October 30.
Ang pagsasabatas nito ay pagtaliman sa United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities (PWD).
Layunin nitong itaguyod, protektahan at matiyak ang full and equal enjoyment sa lahat ng human rights at fundamental freedoms ng mga may kapansanan.
Sa ilalim ng batas, kinikilala na ang Filipino sign language bilang medium of official communication para sa mga may kapansanan sa pandinig.
Facebook Comments