NILAGDAAN NA | National Payment Systems Act, pinirmahan na ni PRRD

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagre-regulate ng payment systems sa Pilipinas.

Sa ilalim ng Republic Act 11127 o National Payment Systems Act, inaatasan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na isulong ang ligtas at maasahang operasyon na sistema ng pagbabayad.

Nakasaad din sa batas na tututukan ng BSP ang lahat ng payment systems sa bansa at bibigyan ito ng supervisory at regulatory powers para matiyak ang matatag at epektibong monetary at financial system.


Kabilang sa mga magiging kapangyarihan ng BSP ay ang pagtalaga ng payment system, pag-accredit at pagre-require sa mga operators ng payment system.

May kapangyarihan na rin ang monetary board na magpataw ng parusang administratibo o multa sa mga lalabag na payment system participants.

Facebook Comments