NILAGDAAN NA | Personal property security act, pinirmahan na ni P-Duterte

Manila, Philippines – Maari nang gamitin ng mga Pilipino ang iba pang personal properties bilang kolateral para sa bank loans.

Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11057 o Personal Property Security Act.

Layunin nito na magbigyan ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) ng mahusay na access sa financing.


Pinalawak pa ng batas ang listahan ng assets na maaring tanggapin sa mga bangko at iba pang financial institutions bilang collateral.

Kabilang na rito ang lahat ng personal property, equipment o inventory.

Matatandaang mas nais ng financial institutions ang lupa at iba pang real property assets bilang collateral kaya nahihirapan ang mga maliliit na negosyante na maka-access sa loan.

Sa ilalim ng batas, magtatatag ng electronic national registry sa Land Registration Authority (LRA).

Facebook Comments