Pinasasalamatan ni Moro Islamic Liberation Front Chairman Murad Ebrahim si Allah “Subhanahu Wa Ta’ala,” sa pagkakaloob nito ng matagal ng hinahangad ng mga Bangsamoro sa Mindanao ang simula ng pagkakaroon ng “Kapayapaan at Kaunlaran” sa pamamagitan ng Bangsamoro Organic Law o ang Republic Act Number 11054.
Ang statement ni Chairman Murad ay kanyang inihayag sa halos isang daang libong mga Bangsamoro na nakiisa sa isinagawang Bangsamoro Consultative Assembly kahapon sa Camp Darapanan sa Sultan Kudarat Maguindanao.
Nagpapasalamat rin si Chairman Murad kay Presidente Rody Duterte sa tiwalang ipinagkaloob nito sa mga Bangsamoro.
Kaugnay nito bagaman itinuturing na hindi pa rin tapos ang halos apat na dekadang “ Bangsamoro Struggle” hinimok ni Murad ang lahat ng mga myembro ng MILF at lahat ng Bangsamoro na magkaisa at magtutulungan para tuluyang makamit na ang nararapat para sa lahat.
Samantala nangako si Chairman Murad na sisikapin ang lahat ng kanilang makakaya alang alang para sa ikakaginhawa ng Bangsamoro. Hinikayat rin nito ang lahat na lalo pang higpitan ang pananalig sa poong lumikha para gabayan sila.
Kahapon pormal na ring natanggap ng MILF Central Committe ang nilagdaang Bangsamoro Organic Law matapos iturn over ni BTC Chairman Ghadzali Jaafar.
AL-mutasabberah Bint Mujahid <www.facebook.com/morshedah.muguiahid?hc_ref=ARQUJx8FmG7OpDPNFeI_nOicI5Am_sGB4UMHgjpiYCqtSjkjLJmu7-OrJLHQvAl2nrw&fref=nf> PIC