Nilalaman ng joint venture agreement sa pagitan ng banana exporter na TADECO at BUCOR, hawak na ng DOJ

Manila, Philippines – Hawak na ng Department of Justice (DOJ)ang nilalaman ng joint venture agreement sa pagitan ng banana exporter na TagumAgricultural Development Co. Inc. (TADECO) at Bureau of Corrections (BUCOR)hinggil sa long-term lease sa 5,308-ektaryang ari-arian sa Davao Penal Colony.

 

Ito’y matapos matanggap ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II angliham ni House Speaker Pantaleon Alvarez na humihingi ng legal na opinyon sanasabing usapin.

 

Ayon kay Aguirre – nais ni Speaker Alvarez na malaman ang legalstatus sa mahigit 5,300 ektarya sa loob ng Davao Penal Colony (DAPECOL) nainupahan ng TADECO na pagmamay-ari ni Davao Del Norte Rep. Tony Floirendo.


 

Dahil dito, bubuo aniya siya ng panel o fact-finding team parabumusisi sa legalidad ng pinasok na kontrata ng BUCOR sa TADECO.

Facebook Comments