Valenzuela City – Nadakip na ng mga pulis ang suspek sa pagpatay sa 11-anyos na babae sa Malinta, Valenzuela City.
Mismong sa pinapasukang trabaho sa nasabing barangay inaresto ang suspek na si Ricky Castillano na tiyuhin ng biktimang si Grace Oliveros.
Sa ulat, tinangkang gahasain ng suspek ang pamangkin sa loob ng kanilang bahay pero nanlaban ito kaya niya nilaslas sa leeg.
Noong una, patay malisya pa ang tiyuhin sa nagawang krimen pero dahil sa mga ebidensiyang iniwan nito tulad ng ginamit na kutsilyo kung saan nakuha din sa kaniya ang damit na sinuot na puno ng dugo ng biktima.
Facebook Comments