NILASON? | DFA nakiramay sa pamilya ng OFW na nasawi sa Saudi

Nagpaabot na ng pakikiramay at simpatya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa naulilang pamilya ng isang Filipina worker sa Saudi Arabia na namatay nitong nakalipas na linggo.

Si Emerita Gannaban, 44-anyos household service worker na tubong Kalinga Province ay namatay di umano dahil sa pagkalason.

Sinabi ni Chargé d’Affaires Christopher Patrick Aro na sa ngayon ay hinihintay pa nila ang resulta ng autopsiya ni Gannaban na binawian ng buhay sa Prince Mohammed bin Abdulaziz Hospital sa Riyadh nito lamang October 29.


Sa kabila nito, tiniyak ng Embahada sa pamilya ng biktima na iimbestigahan din ang umano ay pagmamaltrato kay Gannaban.

Si Gannaban ay nito lamang Hunyo lumipad patungong Saudi Arabia upang magtrabaho bilang household service worker.

Samantala, tiniyak ng DFA na tutulong sila upang ma-repatriate pabalik ng bansa ang mga labi ni Gannaban.

Facebook Comments