Manila, Philippines – Inamin ng Palasyo ng Malacanang na maraming tinaguriang narco-politicians ang nagpupunta sa Malacanang para na alisin ang kanilang mga pangalan sa listahan o sa narco-list.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, wala sa kanyang kapangyarihan na maglinis ng mga pangalan ng mga nasabing pulitiko na pasok sa listahan ng Pangulo.
Pero ipinapasa lang aniya niya sa Philippine Drug Enforcement Agency at sa Philippine National Pilice ang pagsasagawa ng cleansing process.
Binigyang diin din naman ni Roque na hindi agad na maaalis sa narco-list ang mga pulitikong lilipat at lumipat sa PDP laban na partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nilinaw din naman ni Roque na bago pa man manumpa sa PDP Laban ang tatlong Mayors sa Ilo-Ilo na una nang idinawit ng Pangulo sa iligal na droga ay nalinis na ang mga pangalan ng mga ito.