NILINAW | 10% ng mga mining at quarrying site sa bansa, nananatiling suspendido

Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nananatiling suspendido ang nasa 10 percent na mga mining at quarrying site sa Basan.

Ito ay kasunod na rin ng pag-aalis ng suspensyon sa ilang mining at quarrying site.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, inalis ang suspensyon sa mga operasyong napatunayang hindi nanganganib sa pagguho matapos isinagawa ang assessment sa kaligtasan ng mga ito.


Sabi ni Antiporda, isinailalim rin sa assessment ang mga operasyong nasa ilalim ng build build build project ng gobyerno gaya ng paghuhukay sa lalawigan ng Pampanga.

Facebook Comments