NILINAW | ABS-CBN, iginiit na walang sinuman ang sinisiraan ng teleseryeng ‘Ang Probinsyano’

Manila, Philippines – Nilinaw ng ABS-CBN na kathang isip lamang ang mga napapanood sa teleseryeng ‘Ang Probinsyano’.

Sa statement na inilabas ng TV network sa pamamagitan ng kanilang integrated corporate communications head na si Kane Errol Chua – walang intensyon ang teleserye na siraan ang kahit sino maging ang PNP.

Sa katunayan, ipinakikilala pa nila ang bida na si ‘Cardo Dalisay’ na ginagampanan ng aktor na si Coco Martin bilang isang masipag at mabuting pulis.


Facebook Comments