Manila, Philippines – Tuluy-tuloy ang pagpapatrolya ng Armed Forces of the Philippines sa bahagi West Philippine Sea at Scarborough Shoal.
Ito ang nilinaw ng AFP kasunod ng naging pahayag ni Magdalo Rep. Gary Alejano na ipinag-utos ni Pangulong Rodirog Duterte sa militar na itigil ang pagpapatrolya sa pinag-aagawang teritoryo.
Gayunman, tumanggi si AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo na i-detalye ang ginagawang nilang maritime at aerial patrols.
Aniya, posibleng kuryenteng balita ang nakuha ng mambabatas.
Pero giit ni Alejano – isandaang porsiyento siyang sigurado sa nakuha niyang impormasyon dahil personal pa raw itong ipinagbigay-alam sa kanya ng kanyang source mula sa militar.
Facebook Comments