Manila, Philippines – Nilinaw ni Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Piñol na walang kinalaman sa tag-ulan o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law ang taas-presyo sa mga palengke.
Ayon kay Piñol, sa susunod na linggo ay ilalabas na nila ang Suggested Retail Price (SRP) para sa gulay at karne sa mga palengke.
Giit naman ni Steven Cua ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association.
Nakaamba ring magtaas ng presyo ang mga supermarket para makabawi sa gastos ng kanilang operasyon.
Batay sa monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI), nagkaroon ng P0.50 hanggang P0.90 na pagtaas sa SRP ng mga produktong de lata sa mga pamilihan.
Ito ay matapos aprubahan ng DTI ang hiling na pagtaas ng mga canned goods manufacturer, na idinahilan ang pagmahal ng raw materials at labor cost.