NILINAW | Agriculture Secretary Manny Piñol, itinanggi na gusto niyang gawing ligal ang rice smuggling

Manila, Philippines – Nagbigay linaw si Agriculture Secretary Manny Piñol matapos madulas na sabihin na ilegalize na lamang ang rice smuggling.

Sa kaniyang FB post, sinabi ni Piñol na binaluktot ang tunay na konteksto ng kaniyang pahayag.

Aniya, ang gusto niyang ipunto ay ipahawak sa panlalawigang gobyerno ng Tawi Tawi ang pagkontrol ng rice smuggling doon.


Kaugnay aniya ito ng panukala niya na magtatag Rice Trading Center sa lalawigan ng Tawitawi.

Binigyan diin ng kalihim na ang mga suplay ng bigas na ipinapasok sa backdoor ng Southern Islands ay dapat na pinapatawan ng kaukulang taripa at isailalim sa quarantine.

Kung nasusunod naman aniya ang prosesong ito ay hindi na ito matatawag na smuggling kundi maituturing ng importation na ng bigas.

Ito ay tiyak magpapasok sa kaban ng gobyerno na tinatayang P2-B na kita kada taon.

Kutob ni Piñol na pakana ng mga rice smugglers na ibahin ang kaniyang pahayag para bigyan ng katwiran ang pagmamanipula sa presyo ng bigas sa Merkado.

Facebook Comments