NILINAW | Ariella Arida, itinangging nagkaroon sila ng tampuhan ni Willie Revillame

Manila, Philippines – Itinanggi ni Ariella Arida na nagkaroon sila ng tampuhan ni Willie Revillame kaya at umalis ito sa Wowowin at lumipat sa ibang istasyon.
Say ni Ariella, walang katotohanan ang isyu dahil ang pagha-handle sa oras ang naging problema kung bakit kailangan niyang humiwalay kay kuya Wil.
Hindi rin totoo na nagsimula ang kanilang hindi pagkakaunawaan nang magpaalam ito kay Willie na magbakasyon at hindi ito pinayagan dahil prayoridad nito ang hosting stint.
Nagpapasalamat naman si Arilella kay Willie at sa buong production dahil sa ibinigay na oportunidad sa kaniya.
Sa ngayon, si Ariella ay bahagi ng isang teleserye sa kabilang network kasama sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.

Facebook Comments