NILINAW | BJMP, klinaro na drug free ang Manila City Jail

Manila, Philippines – Nilinaw ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na drug free ang Manila City Jail.

Ginawa ni BJMP Chief Deogracias Tapayan ang pahayag kasunod ng napaulat na may drug paraphernalia na nasamsam sa greyhound operations na isinagawa ng Manila Police District (MPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Manila City Jail .

Ayon kay Tapayan mga sigarilyo at pinatuyong dahon ng tabako at mga cellphones ang kabilang sa mga nakuhang kontrabando sa biglaang inspection.


Sa katunayan may certification ang PDEA-Special Enforcement Service na nagdedeklara sa Manila City Jail-Male Dorm na drug-free jail facility.

Tiniyak ni Tapayan na gagawin nilang tuloy-tuloy ang massive greyhound operations sa lahat ng district, city at municipal jails sa buong bansa upang matiyak na malinis sa illegal na droga ang mga piitan.

Facebook Comments