NILINAW | CAB, klinaro na may limitasyon ang mga paliparan sa pag-accommodate ng pasahero

Manila, Philippines – Ipinaliwanag ng Civil Aeronautics Board o CAB kung bakit maraming flight ang na-divert sa ilang paliparan sa bansa.

Ayon kay CAB Legal Division Head Atty. Wyrlou Zamudio, may limitasyon ang lahat ng paliparan sa mundo.

Sa dami ng na-divert na flights nahirapan aniya ang mga paliparan na i-accommodate ang lahat ng pasahero.


Nilinaw rin ni Zamudio kung bakit hindi agad pinababa ang mga pasahero mula sa mga na-divert na flights.

Sa kabila nito, humihingi naman ng pag-unawa ang CAB sa mga pasahero sa nangyaring aberya.

Facebook Comments