Nilinaw ng isang kumpanya ng langis na walang cartel o pandaraya sa presyo ng gasolina sa Pilipinas.
Kung maalala, halos sabay-sabay at kadalasang pareho ang pagbawas at pag-dagdag sa presyo ng petrolyo ng iba’t-ibang kumpanya.
Ayon kay PTT Philippine CEO Trading Corp., Danny Alabado , walang nangyayaring pag-uusap sa pagitan nila at sa ibang kumpanya kung magkano ang idedeklarang presyo sa kaparehong panahon.
Aniya kada linggo binabantayan nila ang presyo ng petrolyo sa world market at meron silang computation na sinusundan tulad ng sa ibang kumpanya.
Paliwanag naman ng PTT kaya mas mura ang kanilang produkdo dahil mas pinili nila ang maliit hanggang sa sapat na kita upang makinabang ang karamihan.
Samantala, 9 na beses nang nagkaroon ng tapyas sa presyo ng gasolina pero tila ito ay mapuputol dahil sa susunod na linggo inaasahan naman na tataas ang presyo ng petrolyo.