NILINAW | COMELEC, klinaro na hindi muna sila mag-iisyu ng voter’s ID

Manila, Philippines – Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na walang kaakibat na pag-iisyu ng voter’s ID ang nagpapatuloy na voter’s registration.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, sinuspinde nila ang pag-imprenta at pag-iisyu ng voter’s ID dahil tinatalakay na sa kongreso ang panukalang national ID system.

Paliwanag pa ni Jimenez, walang kinakakilangang dalhin ang mga botante kundi ang kanilang valid ID lamang para matiyak na tama ang kanilang ibibigay na residential address.


Nagsimula ang voters’ registration nitong July 2 at magtatapos hanggang September 29, 2018.

Facebook Comments