NILINAW | COMELEC, klinaro na walang bayad ang paghahain ng Certificates of Candidacy

Manila, Philippines – Libre ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC).

Ito ang paglilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) kasunod ng mga reklamong natatanggap mula sa mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na may bayad ang filing ng COC.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez – ang mga sinasabing paniningil umano ay para sa ‘notarial services’.


Pagdidiin ni Jimenez – walang bayad ang pagpapasa ng COC at ang notarial service na ibinibigay ng COMELEC field official ay libre.

Panawagan ngayon ng poll body na isumbong ang mga ganitong insidente sa kanilang hotline: (02) 527-08-21 at (02) 525-92-96.

Maari ring ipadala ang kanilang incident report sa pamamagitan ng social media accounts ng comelec: @comelec sa twitter at comelec.ph sa facebook.

Mula noong April 15, pumalo na sa higit 80,000 COC filers na ang naitala sa buong bansa.

Magtatagal na lamang ang COC filing sa April 20.

Facebook Comments