Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) at ng National Food Authority (NFA) na hindi kasama sa sakop ng Suggested Retail Price (SRP) ang iba’t ibang uri ng special rice.
Kabilang dito ang milagrosa, brown, red at black rice gayundin ang japonica at malagkit.
Kaninang umaga nang pormal na pinasimulan ng NFA ang SRP sa bigas na unang ipinatupad sa Commonwealth Market sa Quezon City.
Apat na lang din ang klase nito: regular-milled, well-milled, premium at special rice.
Mapapansin din na color-coded na ang mga karatula ng bigas sa palengke kung saan ang puti ay para sa regular at well-milled rice na may SRP na P39 at P44;
Dilaw para sa premium rice na may SRP na P40, P43 at P47 habang asul naman para sa special rice.
Facebook Comments