Nilinaw ng mga opisyal mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang pagguho ng lupa sa Itogon, Benguet ay hindi sanhi ng mga aktibidad na may kinalaman sa mining.
Ayon kay Mines and Geosciences Bureau-Cordillera Administrative Region (MGB-CAR) Director Fay Apil, wala naman mining operations sa lugar na pinanggalingan ng debris materials.
Aniya, ang sunod-sunod na pag-ulan na nagsimula sa habagat hanggang sa bagyong Ompong ang dahilan ng paglambot ng lupa sa lugar.
Gayunman, iginiit ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na nandoon pa rin sa lugar ang mga nasawi sa trahedya dahil nagmimina ang mga ito.
Dahil dito, inutos na ng DENR ang pag-review sa lahat ng minahang bayan applications at sinuspinde ang small-scale mining sa Benguet.