NILINAW | DepEd, klinaro na may pasok sa August 22, 2018

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na ang regular classes ay magbabalik sa August 22, 2018.

Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, magkakaroon ng adjustment sa kanilang school calendar para sa school year 2018-2019 kasunod ng anunsyo ng Malacañang.

Matatandaang idineklara ng Palasyo na ang August 21, 2018 ay isang regular holiday bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.


Bukod sa eid’l adha, gugunitain din ang Ninoy Aquino Day, isang special non-working holiday bilang pag-alala sa anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.

Facebook Comments