NILINAW | Deployment ban ng mga OFW sa Kuwait, hindi permanente – DOLE

Manila, Philippines – Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi permanente ang deployment ban ng mga OFW sa Kuwait.

Ayon kay Bello, mananatili ang ban hangga’t hindi napipirmahan ng gobyerno na Pilipinas at Kuwait ang Memorandum of Agreement (MOA) na magbibigay proteksyon sa mga OFW.

Naniniwala ang kalihim na misquote lamang ng media ang sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte.


Pero tiniyak din ni Bello, na ipalilinaw din nito sa Pangulo ang naging pahayag nito.

Tutungo si Bello kasama ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Kuwait sa May 7 para ayusin ang mga gusot at isulong ang paglagda sa MOA.

Itinanggi rin ni Bello na may alitan sila ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano.

Facebook Comments