NILINAW | Desisyon ng CA sa kaso ng Areza Cruz Realty Development hindi pa pinal – Atty. Ferdinand Topacio

Manila, Philippines – Nilinaw ni Atty. Ferdinand Topacio abogado ng Areza Cruz Realty Development Company Incorporated na ang kinukwestyon nila ay ang validity ng kontrata at hindi ang merito ng kaso hinggil sa plano ng Alkalde ng Palawan na pwersahang papaalisin ang Areza Cruz Realty Devt. Company Inc sa palengke ng naturang Lungsod.

Sa ginanap na presscon sa Manila sinabi ni Atty. Topacio na napaka delikado ang ginagawa nilang planong pwersahang pagpapaalis sa mga Employeers ng Areza dahil posibleng magkakasakitan ang magkabilang panig kapag umalma ang kampo ng kanyang kliyente.

Paliwanag ni Atty. Topacio una nang nanalo ang Areza Cruz Realty Development Company Inc., sa RTC Palawan at nanalo ang kanyang kliyente kaya at umapila sa Court of Appeals si Palawan Mayor Lucilo Bayron kung saan kinatigan naman ng CA ang apela ng Alkalde kaya naghain ng Motion for Reconsideration ang kampo ni Cruz at nakabinbin pa ngayon sa Korte.


Giit ni Atty. Topacio dapat antayin nalamang ni Mayor Bayron ang desisyon ng CA bago sila gagawa ng mga kaukulang hakbang upang maiwasan na magkakasakitan ang magkabilang panig.

Facebook Comments