NILINAW | DILG, klinaro na hindi kontra sa peace talks sa CPP-NPA-NDF

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi ito kontra sa peace talks sa CPP-NPA-NDF.

Nilinaw ng ahensya na gusto lamang  nito na itigil na ang mga kaguluhan at isantabi ang plano ng grupo para sa coalition government.

Ayon kay DILG OIC Secretary Eduardo Año, layon nito na mapagtibay ang pagtitiwala sa pagitan ng dalawang partido upang mawala na ang balakid para maipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.


Taliwas sa propaganda ng makaliwang grupo, walang iniisip ang DILG kung di suportahan ang kapayapaan.

Gayunpaman, nilinaw ng DILG Chief na hindi maaaring humingi ng kapayapaan ang rebeldeng grupo hangga’t gumagawa ng karahasan at nagpaplanong mapabagsak ang gobyerno.
Hinimok nito ang NDF-CPP-NPA na itaguyod ang katapatan ng pamahalaan at maitatag ang tiwala ng isa’t isa.

Facebook Comments