NILINAW | DND walang utos na natanggap para arestuhin ang mga paparating na NDF consultants

Manila, Philippines – Hanggang kahapon ay wala pang natatangap na utos ang pamunuan ng Department of National Defense (DND) para sa pag-aresto kina National Democratic Front (NDF) Chief Negotiator Fidel Agcaoili at NDF Senior Adviser Luis Jalandoni.

Ayon kay Defense Spokesperson Director Arsenio Andolong maghihintay sila ng utos mula sa Malacañang kaugnay dito.

Sa ngayon aniya ay anuman ang maging mga desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte may kinalaman sa usapang pangkapayapaan ay rerespetuhin at susundin ito ng DND.


Kung pumayag man daw ang Pangulo na makipagpulong sa dalawang NDF officials ay karapatan o nasa hurisdiksyon ito ng Pangulo.

Naniniwala naman ang pamununan ng DND sa harap ng magandang layunin ng dalawang NDF officials na makipag-usap sa Pangulo ay umaasa rin silang magkakaroon sila ng direktang kontrol sa miyembro ng CPP-NPA terrorist na patuloy na lumalabag sa rule of law.

Una nang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang speech sa Palawan na nais raw syang makausap nina Agcaoili at Jalandoni pero takot ang mga itong arestuhin sila pagdating sa bansa.

Facebook Comments