Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi sila ang nagdesisyon tungkol sa 20 pesos wage hike.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III – ang tripartite wage board ang nagdedesisyon at nagrerekomenda kung magkano ang wage increase at kung kailan ito ipatutupad base sa mga isasagawang public hearings
Tinitingnan din aniya ang sitwasyon ng mga employer kung kaya nitong pagbigyan ang dagdag sahod sa mga manggagawa.
Ani Bello – kapag masyado malaki ang ipinataw na dagdag sahod, mahahantong lamang sa retrenchment ng mga manggagawa.
Facebook Comments