NILINAW | DOTr MRT-3, dumipensa sa pagkakabaril ng kanilang guwardiya sa isang taong grasa

Manila, Philippines – Dumipensa ang Department of Transportation-Metro Rail Transit (DOTr MRT-3) matapos na mabaril ng isa nilang gwardiya ang isang taong-grasa na nagkalakad sa riles.

Sa isang pahayag, nilinaw ng DOTr MRT-3 na hindi intensyon ng security guard na si Frederico Bustamante na barilin ang hindi pa nakikilalang taong-grasa.

Nabigo raw kasing pakinggan ang warning shots para makontrol ang taong-grasa kaya at binaril ito ni Bustamante sa paa at binti upang hindi na siya makapanakit at mapigilan ang anumang pinsala sa mga tren.


Tiniyak naman ng ahensya sa publiko na ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng mga pasahero ang nananatili nilang prayoridad.
Sa huling ulat, kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Makati ang taong-grasa habang kusang sumuko sa pulis ang kanilang guwardiya.

Facebook Comments