NILINAW | DSWD, klinaro ang sinasabing bulok na relief goods

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ligtas at nasa maayos ang kondisyon ang mga relief goods na unang napaulat na nabubulok sa mga evacuation centers sa Marawi City.

Ayon kay Assistant Secretary for the Office of the Secretary Glenda Relova, napagkamalang bulok ang mga dried fish na ipinamahagi nila bilang kapalit sa mga de lata.

Nagsasawa na kasi aniya ang mga evacuees sa mga canned goods kaya pinapalitan nila ito ng ibang uri ng relief items.


Sa pagsisiyasat ng Inspectorate Committee ng ahensya, lumilitaw na nasa maaayos na kondisyon ang lahat ng batches ng naipamahaging dried fish.

Sinabi pa ni Assistant Secretary Relova na malamang na may ilan na hindi naging maingat ang pagbubukas sa mga packaging kung kaya at nagkasingaw at namaho ang mga ito.

Ipinabalik na aniya ang mga relief goods para mapalitan.

Tiniyak ni Assistant Secretary Relova na darating sa takdang panahon ang mga relief goods at mahigpit nang imo-monitor ang mga relief supplies para maiwasang maulit ang insidente.

Facebook Comments