Manila, Philippines – Pinawi ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pangamba ng mga konsyumer na magpatung-patong ang taas-presyo ng mga pangunahing bilihin pagsapit ng Disyembre.
Kasunod na rin ito ng pagpayag ng mga manufacturer sa pakiusap ng dti na huwag magtaas ng presyo sa loob ng tatlong buwan.
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo – bago maigalaw ng mga manufacturer ang presyo ng kanilang basic goods at prime commodities, dadaan muna ito sa pag-aaral ng ahensya.
Samantala, sa susunod na buwan, ilalabas na rin ng DTI ang Suggested Retail Price (SRP) para sa mga noche buena item.
Sakaling magkaroon ng paggalaw sa presyo mula sa nakalipas na taon, tiniyak ng DTI na ito ay nasa tatlo hanggang walong prosiyento lamang.
Facebook Comments