Manila, Philippines – Sa isinagawang Education Summit, nilinaw ni Education Secretary Leonor Briones na hindi siya tutol sa salary increase ng mga guro sa mga pampublikong paaralan, ito ay sa kabila ng pagsabi niya na hindi underpaid ang mga public school teachers sa kasunod ng panawagan ng mga ito ng dagdag sahod.
Ayon sa kalihim, nararapat lamang ang salary increase lalo’t nasasaad ito sa konstitusyon ng bansa, at malaking panghatak aniya ito upang mas piliin ng mga guro na manatili at magturo dito, nang sa ganoon ay magamit natin ang talent ng mga ito sa pagtuturo at mapanatili ang magandang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Kaugnay nito ayon kay Briones, tinatayang nasa higit dalawang libong mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang bumalik na sa Pilipinas at pumasok sa public education system ng bansa bilang mga guro.
Ito ayon kay Briones, ay resulta ng matagumpay na kampaniya ng ahensya katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).