NILINAW | Eligibility ng mga nag-a-apply sa gobyerno, hindi bubusisiin

Wala ng balak si Pangulong Rodirgo Duterte na busisiin pa ang eligibility ng mga nag-a-apply sa gobyerno.

Ayon sa Pangulo, mahalaga sa kaniya ang mga taong competent at tapat sa serbisyo.

Nilinaw ni Duterte na hindi niya minamaliit ang kwalipikasyon ng mga aplikante kundi ayaw lang niyang magkaroon ng mga tauhan na korakot.


Giit pa ng Pangulo, hindi siya nagpapapogi dahil trabaho lang ang kaniyang ginagawa.

Facebook Comments