Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na sinuman ay maaring tamaan ng flesh-eating bacteria na tinatawag na ‘necrotizing fasciitis’ sa kulungan dahil sa congestion at poor ventilation.
Ayon kay DOH Undersecretary Rolando Enrique Domingo, ang mga siksikang kulungan na hindi regular na nalilinis ay maaring pagbuhayan ng bacteria.
Target ng bacteria ang mga preso na may sugat at magdudulot ito ng impeksyon na nagreresulta ng pagkasira ng body tissues.
Paglilinaw ni Domingo na hindi ito nakakahawa maliban na lamang sa tinamaan ng impeksyon ang sugat ng isang indibidwal.
Ang mga indibidwal na tinamaan ng necrotizing fasciitis ay kinakailangang sumailalim sa operasyon para matanggal ang damaged tissue at sasailalim din sa intravenous antibiotic treatment para hindi na kumalat ang impeksyon.
Hinimok ng DOH ang mga opisyal ng jail facilities na kumonsulta sa city health office para humingi ng tulong sa pagtataguyod ng maayos na kalusugan ng mga inmates.
Paghihimok din ng DOH sa mga inmates ang regular na mag-practice ng good hygiene.