NILINAW | Hidilyn Diaz, itinangging naghahanap ng sponsor kaya naglabas ng sama ng loob sa social media

73

Manila, Philippines – Nilinaw ni Rio Olympic Games silver medalist Hidilyn Diaz na hindi siya naghahanap ng mga sponsor kaya niya inilabas ang kaniyang saloobin hinggil sa kalagayan ng sports sa bansa sa social media kahapon.

Sa kaniyang post sa twitter kaninang umaga sinabi ni Diaz na “matagal na kame na naghihintay para sa pagbabago sa sports.”

Kahapon kasi nagtweet si Diaz na “nagtataka pa ba kayo bakit hanggang ngayon wala pa tayong gold medal sa olympics? Sabi ni Coach 1990 pagpunta niya dito sa Manila ganito pa rin ang gym hanggang ngayon ganito pa rin.”

Kasama ang larawan kung saan nagte-training ang beteranang Olympic Weightlifter.

Umani naman ng suporta si Diaz mula sa mga Netizen pero meron din ilan na binatikos pa ang Olympic Silver Medalist.

Facebook Comments