Manila, Philippines – Nilinaw ni Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo ang kaniyang sinasabi nang patayan siya ng audio makaraang mailuklok siya bilang bagong lider ng mababang kapulungan.
Ayon kay Arroyo, nagpapasalamat siya sa mga kasamahang naglagay sa kaniya sa puwesto.
Tiniyak rin ni Arroyo na ipagpapatuloy niya ang legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipingako rin ni Arroyo, bibigyang tulong ng Kamara ang mga lugar na naapektuhan ng mga kalamidad.
Nasa siyam na mga distrito aniya ang inisyal nilang natukoy na apektado ng kalamidad.
Inaasahang pipili ng bagong majority leader ang mayorya para palitan si Ilocos Norte Representative Rodolfo Fariñas.
Pero ani ni Camarines Representative Rolando Andaya, bilin ni Arroyo, status quo muna sa mga committee chairmanship para hindi magulo ang Kamara maliban na lang sa ilang puwesto na positions of trust.