NILINAW | I-aanunsyong 3rd telco player, provisional pa lamang – DICT

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Information Communication and Technology o DICT na provisional pa lang ang papangalanang ikatlong telecommunication player sa November 7.

Paliwanag ni DICT acting Secretary Eliseo Rio Jr, ang mananalong bidder ay sasailalim pa sa post qualification process.

Ibig sabihin, pag-aaralan pa ng ahensya at ng National Telecommunication Commission (NTC) ang kanilang mga dokumento.


Giit ni Rio, ang pagpili sa ikatlong telco ay computerized at hindi maaaring maimpluwensyahan nino man ang selection process.

Aniya, bibigyan ang bawat bidder ng score batay sa kanilang commitment.

Facebook Comments