NILINAW | Janet Napoles, magiging state witness lamang sa mga bagong kaso – Justice Secretary Aguirre

Manila, Philippines – Nilinaw ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na magiging state witness lamang si Janet Lim Napoles sa mga bagong kasong isasampa ng kagawaran.

Nabatid na isinailalim sa Provisionary Witness Protection Program (WPP) si Napoles.

Paliwanag pa ng kalihim, hindi kakasuhan si Napoles sa mga ihahaing bagong kaso.


Patuloy aniya ang evaluation sa mga isinumiteng sinumpaang salaysay ni Napoles.

Kasalukuyang nahaharap sa patung-patong na kaso si Napoles kabilang ang plunder at graft sa Sandiganbayan dahil sa pagkakasangkot nito sa mult-billion pesos Priority Development Assistance Fund (PDAF scam).

Facebook Comments