Manila, Philippines – Nilinaw ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na hindi niya sinabing na-comatose si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang facebook post, pinagsabihan ni Sison ang mga nagbabasa na ang kanyang August 19 post tungkol sa kalusugan ni Pangulong Duterte ay “subject to verification or negation” sa pamamagitan ng public appearance ni Duterte at ng credible medical bulletin.
Giit pa ni Sison – dapat pa ngang magpasalamat ang Pangulo sa kanyang FB post dahil binigyan niya ito ng pagkakataon para itanggi na na-comatose siya.
Nakita rin ni Sison na tila pagod at mahina ang Pangulong Duterte sa facebook live video na inilabas ni Special Assistant to the President Bong Go.
Base sa video ni Go, naniniwala si Sison na mayroong seryosong sakit ang Pangulo, lalo at inamin naman ng Pangulo na mayroon itong buerger’s disease o kaya sakit sa bato bunsod ng paggamit ng painkiller na fentanyl.