Manila, Philippines – Nilinaw ni dating Vice President Jejomar Binay na hindi niya kailanman na gagawing Binay Dynasty sakaling papalarin siyang maluklok bilang Representante ng District 1 ng Makati.
Sa ginanap na Forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Binay na ang kanyang magagawa sa Kongreso ay hindi ang usapin ng planong gawin Binay dynasty dahil ang mahalaga umano ay ang kwalipikado ang isang kandidatong tatakbo sa Kongreso.
Paliwanag ni Binay na sa mahabang karanasan nito bilang alkalde ng Makati na maraming bata na hindi naparusahan na dapat naman parusahan kaya pinag aaralan niyang baguhin o amendahan ang batas ni Senador Kiko Pangilinan.
Giit ni Binay, iba ang kultura ng mga Pilipino kumpara sa kultura ng mga citizen sa ibang bansa kaya dapat masusing pag aralan kung dapat bang ameyendahan ang batas ni Senador Pangilinan na Juvenile Act kung saan 9 hanggang 15 taong gulang ay hindi dapat parusahan pero planong ng ilang mambabatas na ibaba ang edad dahil na rin sa maraming mga kabataang nasasangkot sa krimen na mas mababa pa sa 15 anyos ang edad.