NILINAW | LTFRB, iginiit na nakapaloob na sa JAO ang implementasyon ng panghuhuli sa Angkas

Manila, Philippines – Iginiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dapat nang manghuli ang I-ACT, LTO at PNP-HPG ng mga motorcycle ride-sharing service na Angkas alinsunod sa inilabas na resolusyon ng board kahapon Disyembre a dose.

Ayon LTFRB, nagtataka sila kung bakit hindi pa kumikilos ang PNP-HPG gayong napadalhan na sila ng kopya ng resolusyon.

Hindi na aniya dapat pang diktahan ang mga ito ng kung ano ang gagawin dahil nakapaloob naman ang mga penalties sa ilalim ng Joint Administrative Order (JAO).


Nahinto lamang ang implementasyon ng panghuhuli dahil sa utos ng korte sa Mandaluyong.

Pero, wala ng sangga sa ngayon dahil sa ipinalabas na TRO ng Supreme Court (SC).

Malinaw sa resolusyon na dapat i-impound ng mga nabanggit na law enforcement units ang mga motorsiklo ng mga Angkas drivers at operators.

Facebook Comments